Libre · Walang sign-up

13th Month Pay Calculator (2026)

Ilagay ang basic na buwanang sahod at ang bilang ng buwang pinasukan para makuha ang 13th month pay, kasama ang prorated para sa bago o nag-resign na empleyado at ang tax-free na bahagi.

Batay sa PD 851 · Dapat maibigay sa o bago ang December 24, 2026

Tantiyang 13th month pay
₱20,000.00
Basic salary na kinita ngayong taon₱240,000.00
Hinati sa 12₱20,000.00
Tax-free na bahagi₱20,000.00
Taxable na bahagi₱0.00

Dapat maibigay sa o bago ang December 24. Lahat ng nakapagtrabaho ng kahit isang buwan ay may karapatan.

Paano kuwentahin ang 13th month pay?

Pagsamahin ang basic salary na talagang kinita mula Enero hanggang Disyembre, at hatiin sa 12. Huwag isama ang allowance, overtime, holiday pay at night differential. Kung buong taon at walang unpaid na absent, isang buwang basic salary ang 13th month pay.
13th month pay = Kabuuang basic salary sa taon ÷ 12

Halimbawa (prorated): na-hire noong Hulyo sa ₱20,000 kada buwan: ₱20,000 × 6 = ₱120,000 ÷ 12 = ₱10,000.00.

Kailan dapat ibigay?

Sa o bago ang December 24 bawat taon. Puwedeng hatiin, halimbawa kalahati sa Hunyo at kalahati sa Disyembre, basta buo na pagdating ng December 24.

May tax ba ang 13th month pay?

Tax-free ang 13th month pay at iba pang benefits gaya ng bonus hanggang ₱90,000.00 sa isang taon. Ang sobra lang ang idinadagdag sa taxable compensation. Ilagay ang ibang bonus sa calculator para makita ang taxable na bahagi.

Mas detalyado sa gabay na paano kuwentahin ang 13th month pay.

Mga source at legal na batayan

Huling sinuri 2026-11-18.

Easy Cutoff Platform May bayad · Early access

Payroll ng buong team ang inaasikaso mo?

Ang Easy Cutoff Platform ang nag-iingat ng listahan ng empleyado, rate at deductions, tinatapos ang buong cutoff sa isang run, nagpapadala ng payslip sa staff at naghahanda ng mga total na ire-remit.