Contributions

PhilHealth Contribution 2026: 5% Rate, Table at Paano Kuwentahin

Ng Easy Cutoff team · Updated Nobyembre 18, 2026 · 3 minutong basa · Paano namin sinusuri ang mga numero

Ang PhilHealth premium ngayong 2026 ay 5% ng basic na buwanang sahod, hati ang empleyado at employer: tig-2.5%. Kapag mas mababa sa ₱10,000 ang sahod, ₱10,000 ang ginagamit; kapag lampas ₱100,000, ₱100,000 lang. Kaya ang kabuuang premium ay ₱500 hanggang ₱5,000 kada buwan.

Paano kuwentahin ang PhilHealth

PhilHealth premium = basic na buwanang sahod × 5% (floor ₱10,000, ceiling ₱100,000)

Halimbawa. Sa basic salary na ₱22,000: ₱22,000 × 5% = ₱1,100.00. Ang empleyado ay magbabayad ng ₱550.00 at ang employer ng ₱550.00.

Hindi tulad ng SSS, basic salary lang ang basehan ng PhilHealth. Hindi kasama ang overtime, allowance at holiday premium.

PhilHealth contribution table 2026

PhilHealth premium na 5%, 2026 (₱ kada buwan)
Basic na buwanang sahodPremium baseKabuuang premiumEmpleyadoEmployer
8,000.0010,000.00500.00250.00250.00
10,000.0010,000.00500.00250.00250.00
15,000.0015,000.00750.00375.00375.00
20,000.0020,000.001,000.00500.00500.00
25,000.0025,000.001,250.00625.00625.00
30,000.0030,000.001,500.00750.00750.00
40,000.0040,000.002,000.001,000.001,000.00
50,000.0050,000.002,500.001,250.001,250.00
75,000.0075,000.003,750.001,875.001,875.00
100,000.00100,000.005,000.002,500.002,500.00
120,000.00100,000.005,000.002,500.002,500.00

Bakit 5% ngayong 2026?

Unti-unting itinaas ng Universal Health Care Act (RA 11223) ang premium hanggang umabot sa 5%. Iyon pa rin ang rate ngayong 2026, kasama ang parehong ₱10,000 floor at ₱100,000 ceiling, kaya walang bagong dagdag na kailangang i-budget.
Easy Cutoff Platform May bayad · Early access

Tamang halaga ang ire-remit buwan-buwan, walang spreadsheet

SSS, PhilHealth at Pag-IBIG ng buong team, pinagsama mula sa bawat cutoff at handang i-remit.

Mga madalas itanong

Puwede bang kaltasin lahat ng 5% sa empleyado?
Hindi. Hati ang premium. 2.5% ng basic salary ang sa empleyado at 2.5% ang sagot ng employer.
Paano ito hinahati sa semi-monthly na payroll?
Kadalasan, kalahati ng buwanang share ang kinakaltas kada cutoff. Puwede ring buo sa isang cutoff; pareho ang total kada buwan.
Paano kung mas mababa sa ₱10,000 ang sahod?
₱10,000 pa rin ang basehan: ₱500 ang kabuuan, tig-₱250.