Libre · Walang sign-up
Easy Cutoff Platform May bayad · Early access
SSS, PhilHealth at Pag-IBIG Contribution Calculator (2026)
Ilagay ang buwanang sahod para makita ang lahat ng government contribution: ang kakaltasin sa empleyado, ang dagdag ng employer, at ang kabuuang ire-remit.
Kaltas sa empleyado kada buwan
₱2,075.00
₱1,037.50 kada cutoff kung hinati sa dalawang cutoff · dagdag ng employer: ₱3,355.00
| Kada buwan | Empleyado | Employer | Kabuuan |
|---|---|---|---|
| SSS (MSC ₱25,000.00) | ₱1,250.00 | ₱2,500.00 | ₱3,750.00 |
| SSS Employees' Compensation | — | ₱30.00 | ₱30.00 |
| PhilHealth | ₱625.00 | ₱625.00 | ₱1,250.00 |
| Pag-IBIG | ₱200.00 | ₱200.00 | ₱400.00 |
| Kabuuang ire-remit | ₱2,075.00 | ₱3,355.00 | ₱5,430.00 |
Sa MSC ng SSS, ₱20,000.00 ay napupunta sa regular na Social Security at ₱5,000.00 sa MySSS Pension Booster (MPF).
Magkano ang contributions sa sahod na ₱20,000?
Sa ₱20,000 kada buwan, ang empleyado ay magbabayad ng ₱1,000.00 sa SSS, ₱500.00 sa PhilHealth at ₱200.00 sa Pag-IBIG, kabuuang ₱1,700.00. Ang employer ay magdadagdag ng ₱2,730.00, kasama ang ₱30.00 na SSS Employees' Compensation.
Ang tatlong patakaran
- SSS: 15% ng Monthly Salary Credit (5% empleyado, 10% employer), MSC mula ₱5,000 hanggang ₱35,000, at ₱10 o ₱30 na EC na sagot ng employer. Buong SSS table.
- PhilHealth: 5% ng basic salary, hati, may ₱10,000 floor at ₱100,000 ceiling. Gabay sa PhilHealth.
- Pag-IBIG: 2% sa empleyado at 2% sa employer hanggang ₱10,000, kaya ₱200 bawat isa sa karamihan. Gabay sa Pag-IBIG.
Mga madalas itanong
- Kinakaltas ba ito kada cutoff?
- Buwanan ang mga halaga. Sa semi-monthly, puwedeng kalahati kada cutoff o buo nang isang beses; i-remit ang buong total kada buwan.
- May tax ba ang contributions?
- Wala. Ibinabawas muna ang mandatory na share ng empleyado bago kuwentahin ang withholding tax.
- Paano kung arawan ang empleyado?
- Gamitin ang kinita niya sa buwan (arawang rate × bayad na araw) bilang buwanang sahod.
Mga source at legal na batayan
- Social Security System — SSS Circular No. 2024-006 (RA 11199) (epektibo 2025-01-01)
- PhilHealth — Universal Health Care Act (RA 11223) (epektibo 2025-01-01)
- Pag-IBIG Fund — HDMF Circular No. 460 (epektibo 2024-02-01)
Payroll ng buong team ang inaasikaso mo?
Ang Easy Cutoff Platform ang nag-iingat ng listahan ng empleyado, rate at deductions, tinatapos ang buong cutoff sa isang run, nagpapadala ng payslip sa staff at naghahanda ng mga total na ire-remit.